Tulak todas sa buy-bust

Nasawi ang isang la­laking sinasabing tulak ng ilegal na droga nang manlaban ito habang ina­aresto ng pulisya sa isang buy-bust operation kahapon ng madaling-araw sa Barangay Pinagbuha­tan, Pasig City.

Kinilala ni Eastern Police District (EPD) Director P/Chief Supt. Romulo Sapitula ang napatay na suspek na si Albert Salazar, alyas ‘Bandong’, nasa hustong gulang at residente ng Mulawin Street, Greenwoods Village sa Barangay Pinagbuhatan.

Dakong alas-dos ng madaling-araw nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit sa tahanan ng suspek, kung saan nagpanggap na poseur bu­yer si PO1 Albert Ruiz, ayon sa ulat ng Pasig City Police.

Nasa kalagitnaan umano ng transaksyon nang makatunog ang suspek na pulis ang kumukuha sa kanya ng droga kaya’t bumunot ito ng kalibre .38 revolver at binaril sa dibdib ang pulis.

Maswerteng nakasuot ito ng bullet proof vest kaya’t hindi tumagos sa katawan ang bala at nakaganti ng putok dahilan upang masawi ang suspek.