Away-away na ang magkakapatid na Tulfo makaraang kampihan ng kolumnistang si Ramon Tulfo, ang pinakamatanda sa 10 magkakapatid, si Wanda Tulfo-Teo kaysa kay Ben Tulfo na aniya’y siya umanong nakinabang sa P60M ads na pinasok ng Department of Tourism (DOT) sa PTV 4.

Ipinagtanggol nito ang nakababatang kapatid na si Wanda Teo (pang-apat sa kanilang magkakapatid) dahil wala itong alam o clueless sa malaking kikitain ni Ben sa nasabing ads na tinagurian niyang ‘black sheep’ ng kanilang pamilya.

“They would have advised her against signing a contract with PTV 4 where Ben was a blocktimer. A blocktimer is not an organic member of a radio or TV station but one who pays for airtime,” sabi pa nito sa kanyang column.

Ang tanging mali lamang ng kanyang kapatid na si Wanda ay ang pagkuha nito ng mga tauhan na hindi matatalino.

Sinabi pa ni Ramon Tulfo na tutulong siya para malinis ang pangalan ni Wanda at hindi kay Ben Tulfo.