Dear Dra. Holmes: (shortened Mar 23 letter)

Nabigla po ako nang sabi ng asawa ko sa akin na may tulo daw po sya. Paano po mgyayare yun, wala nman po akong ganun sakit?

Dati na daw po sya ngka tulo pero at kusa nlang dw po itong nwala, doc.
Tanong ko po totoo po bang maa­ring bumalik lang po tlaga ang tulo nya o nkipagtalik po sya sa iba at doon nya po nakuha?? Pls sna po matulungan nyo ko mlaman kung totoong bumabalik ito slamat Raul

Dear Raul:
Maraming sala­mat sa sulat mo na pinublish natin nang buo kahapon. Doon klinaro ko na maa­ring nawala ang sintomas ng tulo sa asawa mo (kahit kasing tagal nang isang taon) pero hindi ibig sabihin na gumaling ang tulo niya). Bumalik ang mga sintomas niya Hindi dahil nagkaroon na naman siya ng tulo pero dahil ‘yung mga sintomas na galing sa original (unang) tulo niya ay bumalik lang. In other words, dearest Raul, maaaring tala­gang tapat ang asawa mo sa iyo.

Ang kaniyang paliwanag—na kusang loob na gumagaling ang kaniyang tulo kahit na hindi ito ginamot (ng gamot)—ay hindi tama.

Pero ang kahulugan nang kaniyang sinasabi ay maaa­ring totoo. ‘Yan ay na “Mahal na mahal kita, Raul. Hindi ko kahit maisip taksilan ka sa ibang lalake. Pangako ko ikaw lang ang partner ko sa sex.”

Ang tunay at tapat na mensahe ng asawa mo sa iyo (kahulugan) ay mas maha­laga kaysa sa iilang mga maling bagay na sinabi niya sa iyo na ‘di naman niya alam ay mali, ‘di ba, Raul?

Sa aking opinion, ang kailangan ninyong gawin ngayon ay siguraduhin na ang tulo ng asawa mo ay magamot nang kompleto. Inaasahan ko na nakatulong ako sa inyong mag-asawa, Raul. Ingat—MG Holmes
***
Si Dra. Holmes ay nagsusulat sa TONITE sa Sabado. Sulatan siya sa Facebook: http://www.facebook.com/drmargieholmes at panoorin siya sa Walang Echos sa Abante Tonite Facebook tuwing Huwebes, 7:00 pm.