Tulong ng taumbayan panlaban sa ISIS

Matagal nang bulung-bulungan na may mga miyembro ng mga teroristang ISIS sa Pilipinas subalit kaya ng mga Filipino na labanan ang mga ito kung magkaisa at magtulungan.

Ito ang pahayag ng ilang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso kaya hiniling ng mga ito na tulungan ng mamamayan lalo na ang mga nasa Min­danao kasama na ang Metro Manila, si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagsugpo sa mga teroristang ito.

“ISIS has long been suspected of penetrating the Philippines even du­ring the previous administration. I hope this intelligence info will be validated and countermeasures immediately initiated,”­ pahayag ni Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon.

Ganito rin ang pahayag­ ni Ako-Bicol party-list Rep. Rodel Batocabe suba­lit kaya umano ng mga Filipino na lansagin ang mga teroristang ito kung magtulungan ang lahat ng mamamayan.

“Matagal na bulong- bulongan ‘yan at dahil kinumpirma mismo ng Pangulo, ‘yan ang realidad na. Kaya ngayon dapat lahat tayo ay magkaisa at bantayan natin ang ating mga lugar at baka kapitbahay mo ay ISIS na pala,” ani Batocabe.