Hihilingin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang tulong ni Moro National Liberation Front (MILF) Chairman Nur Misuari para kausapin ang mga bandidong Abu Sayyaf na bihag ang tatlong dayuhan.

Kasunod ito ng lumabas na video kung saan nagbanta ang mga bandido na pupugutan ng ulo ang isang Malaysian at dalawang Indonesian na hostage nito kapag hindi nagbayad ng ransom.

Sinabi ni Pangulong Duterte na bahagi ng misyon nito kapag nakausap si Misuari na pagsabihan nito ang Abu Sayyaf Group (ASG) na itigil ang kanilang paghahasik ng karahasan.

Nauna rito iginiit ng MalacaƱang na hindi ito susunod sa kagustuhan ng ASG dahil may ipinaiiral ang gobyerno na no ransom policy.

Matatandaang ilang mga bihag na dayuhan ang pinugutan ng ulo ng ASG nang walang ibinigay na ransom money kapalit ng kalayaan ng mga biktima.