Umabot sa 1,000 pamilyang nasalanta ng malakas na pagbuhos ng ulan dulot ng Habagat at nagpabaha sa malaking bahagi ng Bulacan ang nabigyan ng relief goods.
Naabutan ang mga ito ng Kalinga packs kunsaan binigyan ng prayoridad ang senior citizens at persons with disability bilang tulong ng SM City Marilao.
Sumugod ang volunteers sa flood-ravaged areas sa munisipalidad ng Marilao upang ihatid ang tulong sa apektadong lugar at ito ay sa pamamagitan ng SM Foundation Inc. (SMFI) Operation Tulong Express Program.
Ang packs ay naglalaman ng bigas, de-lata, noodles at bottled water.