Ferdz Delos Santos

Walang dahilan para mapurnada ang bakbakan.

Ito ang mensahe ni eight-division champion Manny ‘The Pacman’ Pacquiao sa milyon-milyon niyang mga tagahanga sa pangambang baka hindi matuloy ang January 19 encounter kay Adrien Broner dahil sa pag-aresto sa huli kamakalawa bunsod ng iba’t ibang kinakaharap na reklamo sa Amerika.

“The fight is a go. Broner was arrested for ano­ther brush with the law but he was able to post bail,” kuwento ng 40-anyos na future boxing Hall of Fame.

“I believe Broner is professional. He knows what is at stake in this fight. So, I’m not worried about him. He will show up during the fight.”

Nakatakdang idepensa ni Pacquiao ang kanyang World Boxing Association (WBA) Regular welterweight title sa four-division titlist na si Broner sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.