Tuloy ang fairytale run ng Cleveland

CLEVELAND (AP) — Dati ay inilalampaso ang Cleveland, halos walang pumapansin.

Pero ngayong taon, lahat ng ibang teams parang naglalaro lang para sa second place. Nasa Cleveland ang spotlight.

Hindi pa halos natutuyuan ang cups at bottles na ginamit sa summer-long party pagkatapos agawin ni LeBron James at ng Cavaliers ang NBA Finals trophy, heto naman ang Indians na rumaragas sa season hanggang makarating sa World Series sa unang pagkakataon sapul noong 1997.

Tatanggapin ng Cavs ang kanilang diamond-studded rings Martes ng gabi sa Quicken Loans Arena at maging unang Cleveland team mula 1964 na nagtaas ng world championship banner.

Kasabay nito sa kalapit lang na Progressive Field, ipupukol ng Indians ang first pitch sa Game 1.

“Is there any better way?” tanong ni James, pagbalik sa Cleveland noong 2014 ay nabuhayan ng loob ang buong Northeast Ohio. “I don’t know, having an ice cream truck outside both arenas at the same time as well. It’s great. We get to host the World Series and we get our rings on the same night – at the same time.”

Kung may retractable roof lang sila, maririndi sa sabay na ingay ang buong Cleveland.

Pagkatapos ng Cavs, eto naman ang Indians na hindi na nanalo sa World Series sapul noong 1948.

Tuloy ang fairytale run ng Cleveland.