Kahapon, ika-17 ng Oktubre, ang huling araw na maaaring mag-file ng kanilang mga COC ang mga kandidato para sa Halalan 2019, dinagsa ng mamamayang Caviteño ang Palacio del Gobernador upang suportahan ang muling pagtakbo sa Senado ni Former Senator Ramon ‘Bong’ Revilla, Jr.
May humigit kumulang dalawang libong mamamayan mula sa mga bayan ng Rosario, Tanza, Dasmariñas at Bacoor ang nagmartsa sa Kamaynilaan para ipakita ang kandidatura ni Sen. Bong Revilla.
Sa loob mahigit apat na taon sa piitan, nakapagdesisyon si Sen. Bong na tumakbo. Dahil na din ito sa mga kaibigan, kamag-anak at mamamayan na sumusuporta sa kanya. Hindi naging hadlang ang kanyang pagkakakulong para maghatid serbisyo sa mamamayan sa kabila ng pagpapanahimik sa kanya.
Ilang buwan na lamang ay aasahan na nating mailalabas ang desisyon kaugnay ng kanyang kaso at ang lahat ay umaasa na lumabas ang pawang katotohanan lamang. Makakapiling na natin sa madaling panahon ang Agimat ng Masa, Sen. Bong Revilla.
Kaya naman, sa pangunguna ng kanyang butihing may-bahay, Mayor Lani Mercado-Revilla, mga kapatid, mga anak at kamag-anak ay pormal na inihain sa Comelec ang kanyang COC.
Kami ay patuloy na nananawagan ng suporta at dasal mula sa sambayan at bigyan ng pagkakataong makapagsilbi sa taumbayan kasama ang kasalukuyang administrasyon. Ang lahat ng ito ay ating mapagtatagumpayan dahil WALANG IMPOSIBLE SA MGA NAGKAKAISANG PILIPINO!