Likas sa ating mga Pilipino ang pagiging malapit sa ating mga lolo at lola. Minsan, dahil sa pagtatrabaho ng mga magulang, ang mga lolo at lola na ang madalas nag-aalaga ng mga bata sa bahay.
Pero hindi lamang sa ating mga pamilya may papel ang ating mga lolo at lola. Sila ay napapabilang sa lumalaking bilang ng mga senior citizen ng ating bansa. Kaya naman marapat lamang na bigyan sila ng pagpapahalaga at pagmamahal.
Isa sa mga itataguyod na legislative agenda ni Bong Revilla sakali mang siya ay makabalik sa Senado ay ang pagbaba ng age requirement para maging senior citizen. Panukala ni Senator Bong Revilla na ibaba mula 60 anyos hanggang 55 anyos.
Layunin ng panukalang batas na ito ay mabigyan ng mas maagang pagkakataon ang ating mga senior citizens na ma-avail ang mga benepisyo ng isang senior citizen.
Ang mga benepisyo tulad ng discount sa gamot, ospital, restaurants, pamasahe at iba pa ay mas maaga na nilang magagamit kapag naisabatas ang panukala ni Senator Bong Revilla.
Sa kasalukuyan, mayroon ding ibinibigay na cash gift na may halagang P100,000 ang gobyerno sa mga senior citizen na umabot sa 100-anyos. May panukala si Senator Bong Revilla na hatiin sa tatlong phases ang pagbibigay ng cash gift na ito. Kapag umabot sa 80-anyos, ibigay na ang kalahati ng cash gift, ibigay na ang P50,000. Kapag umabot naman ng 90-anyos, bigyan ng P25,000 sa ikalawang phase. Sa huling phase at umabot sa 100-anyos, ibigay ang natitirang P25,000. Sa ganitong panukala, mas madaming senior citizens ang maagang mabibigyan ng cash gift mula sa gobyerno.
Buong-buo ang pagmamahal natin sa ating mga lolo at lola, kailanman ay hindi natin sila dapat pabayaan. Sama-sama nating tulungan, alagaan at mahalin ang ating mga senior citizen. Tuloy ang laban para sa mga senior citizens! Tuloy ang laban para sa pamilyang Pilipino!