SA nalalapit na pagtatapos ng GMA primetime series na Meant To Be ay di na magkamayaw ang fans sa kani-kanyang bet na makatuluyan ni Billie (Barbie Forteza).

Si Jai Patel (Addy Raj) ang Indian playboy na nagbago ang pag-uugali para patunayang mahal niya si Billie.

Si Ethan Spencer-Hughes (Ivan Dorschner) ang dashing half-British, half-Filipino gentleman na napaka-responsible.

Si Yuan Lee (Ken Chan) ay ilehitimong anak ng isang mayamang Chinese businessman.

Dati siyang arogante at madalas ay masungit ngunit nagbago ito nang mahulog siya kay Billie.

Si Andoy de la Cruz (Jak Roberto) ay nice, torpe, at mapagkumbabang promdi na nagsisikap para makaangat sa buhay.

Binigyan ng GMA 7 ng pagkakataon ang viewers, avid fans at followers na pumili kung sino sa kanilang apat ang pinaka-deserving sa puso ni Billie.

Para bumoto, pumunta sa www.GMANetwork.com/MTBvote at piliin ang lalaking gusto mong makatuluyan ni Billie.

Open ang botohan hanggang June 18 (11:59 PM).

Limitado ang bawat participant sa 10 boto kada-araw.

Bawat vote ay counted bilang isang raffle entry.

Apat na participant ang may chance manalo ng grand at consolation prizes.

Ia-announce lahat ng mananalo sa official Facebook page ng GMA Drama at GMA Network website sa June 23.