Tuluy-tuloy at wala sanang sablay

SC-pera

Good news sa mga pensyonado ng Social Security System (SSS) dahil simula ngayon (Marso 3) ay maaari nang makuha ng mga ito ang kanilang P1,000 dagdag sa kanilang pensyon.

Aabot dalawang milyong pensyonado ang magbebenepisyo sa ipinatupad na pension hike na ito ng SSS.

Retroactive ang inaprubahang dagdag pensyon o mula buwan ng Enero ngayong taon kaya ang sunod na dagdag na tig-P1,000 ay matatanggap naman ng mga pensyonado ng SSS sa Marso 10 at 17.

Matagal nang inaabangan ng mga SSS pensioners ang pagtaaas ng kanilang pensyon kaya naman tiyak na maraming matatandang umaasa sa nabinbing benepisyo ang tiyak na magsasaya.

Alam nating may kapalit na pasanin sa mga kasalukuyang ­miyembro ang ginawang pagtataas ng pensyon ng mga retiradong miyembro ng SSS pero kung kaginhawahan naman ng ilang ­nangangailangan ang hatid ay hindi bale nang magsakripisyo.

Dahil wala namang magagawa ang mga miyembro at mistulang sunud-sunuran sa polisiya ng SSS at ng gobyerno ang tanging hangad natin ay ma­ging tuluy-tuloy ang biyayan­g ito upang maging ang mga s­usunod pang mga pensyonado ay makinabang sa benepisyong tinatamasa sa ngayon ng mga retiradong miyembro.

Hangad natin ang patuloy na pagpupunyagi ng SSS sa ­lahat ng mga proyekto ­nito upang mapunan ang mga pangangailangan ng mga miyembro at hindi laging ipinapasa sa mga kasapi ang pagbalikat sa kung anumang gastusin sa mga ipatutupad na dagdag na benepisyo na dapat nilang ipagkaloob.