Walang problema na magkaroon tayo ng third player sa telecommunication industry dahil importanteng magkaroon ng maraming pagpipilian ang mga mamamayan. Ito ay makakatulong rin sa pagpapabuti ng serbisyo ng mga telecommunication network dahil magkakaroon ng seryosong kompetis­yon.

Matagal nang naghihintay ang mga tao na umayos ang serbisyo ng telecommunication industry na kontrolado lang ng dalawang kompanya sa kasaluku­yan. Umaasa ang marami na sa pagpasok ng third player, mapipilitan ang mga kasalukuyang tele­communication network na ayusin at pagandahin na ang kanilang internet services.

Subalit nakakabahala na ang nanalong third player sa isinagawang bidding ng National Tele­communication Commission (NTC) ay isa na namang Chinese company ang makakapasok sa isa sa mga pinakaimportanteng industriya sa ating bansa. Ang nanalo ay Minda­nao Islamic Telephone Company Co., kasama ang China Telecom.

Ang telecommunication ay may mala­king implikasyon sa pambansang seguridad. Naniniwala akong hindi dapat magkaroon ng access ang dayuhang kompanya lalo pa at mula ito sa bansang mayroon tayong kasaluyang sigalot sa usapin ng teritor­yo. Tandaan natin na literal nang inagaw ng China ang ilang teritor­yo natin sa West Philippine Sea. At kahit tinututulan ng mga Pilipino, maliban sa mga opis­yales ng kasalukuyang administrasyon, ay pa­tuloy ang kanilang mili­tarisasyon sa ating karagatan.

Ngayon, tila gusto pa ng ating gobyerno na pati sa mismo nating mga telepono at pribadong gawain ay makapasok ang China. Kara­mihan sa mga Pilipino ay gumagamit ng mobile at internet services. Kasama na rin ang lahat ng ahensya ng gobyerno, maging ang ating militar at iba pang institusyong pangseguridad.

Kaya importanteng maproteksyunan ang ating telecommunication industry sa mga bansang katulad ng China na posibleng naniniktik para maisulong pa ang kanilang interes sa ating teritoryo. Hawak na ng China ang 40% sa National Grid Corporation of the Phi­lippines (NGCP) at kung hahawakan pa nila ang ating telecommunication industry, baka mas lalong manganib ang a­ting seguridad.

Hindi matalinong desisyon na bibigyan natin ng access ang isang dayuhang bansa sa mga importanteng imprastruktura natin. Unti-unti tayong sinasakal ng China habang patuloy naman sila sa pang-aagaw ng ating teritoryo.

Sinusuportahan natin ang pagkakaroon ng third telco player para sa pagpapabuti ng mga serbisyo sa mga mamama­yan. Ngunit, huwag naman nating isaalang-alang ang segu­ridad ng a­ting bansa at ng bawat mamamayang Pilipino.