Ipapakita ko ang malaking oportunidad na posibleng mapakinabangan ng ating mga atleta sa electronic sports.
Huli kong natalakay ang 10 sa kabuuang 294 na Pilipinong nakapagwagi ng premyo sa paglalaro lamang ng iba’t ibang electronic games kung saan ang pinakamataas na nakapag-uwi ay umabot sa US$521,874.91 o mahigit sa kabuuang P25-milyon sa loob lang ng isang taon.
Ito ay kahit na limitado pa o restricted ang paglalaro ng eSports sa bansa, kakaunti ang nabibigyan ng permiso na makapag-organisa ng mga maliliit at lalo na ang pinakamalalaking torneo na naglilimita din sa dapat na napakalawak na oportunidad ng mga mahihilig sa sports na makapagwagi ng malalaking premyo.
Sa datos kong nakalap mula sa mga nag-oorganisa ng torneo sa buong mundo ang naiuwi na premyo ng mga seryoso sa kanilang paghamon sa iba’t ibang laro tulad ng DOTA 2.
Rank Country
1. Germany
2. Jordan
3. United States UNiVeRsE
4. Bulgaria
5. Finland
6. Pakistan
7. United States ppd
8. Lebanon
9. United States Fear
10. China
Ang premyong napanalunan ay sa paglalaro lang ng DOTA at hindi pa kasali ang premyo na posibleng maiuwi kung sasabak din sa iba pang mga laro.
Kung mabibigyan lang ng tsansa na mas mapadali ang proseso sa pag-oorganisa ng torneo at mababang halaga ang hihingiin para sa mga lisensiya, inaasahang mas mabubuksan ang ating bansa na isa sa mga makukunsidera bilang pinakamagandang destinasyon ng mga malalaking torneo sa mundo.