Tumanggap ng travel gift Nayong Pilipino ex-chair tinuluyan ng Ombudsman

office-of-the-ombudsman

Iniutos ni Office of the Ombudsman Samu­el Martires ang pagsasampa ng kaso laban sa sinibak na Nayong Pilipino Foundation Inc. (NPFI) Chairman Pat­ricia Yvette Desiongco at ilang board member nito dahil sa katiwalian at indirect bribery.

Napatunayan ng Ombudsman na mula noong Setyembre 29, 2017 hanggang Oktubre 1, 2017, nakinabang sa libreng private jet transportation ang grupo ni Desiongco patungo at pabalik sa Jeju Island, South Korea.

Maliban dito, nadiskubre rin ng Ombudsman na mayroon din silang libreng akomodasyon na kaloob ng Landing Internatio­nal Limited (LIDL) na nangyari habang nagaganap ang negosasyon ng NPFI at nasabing kompanya.

Sa ilalim ng batas, mahigpit na ipinagbabawal sa mga public official ang mag-request o tumanggap ng regalo, benepisyo o pabor mula sa mga katransaksyon ng gobyerno

Bukod kay Desiongco, sabit din ang board member na sina Alicia Manuel, Rex Anthony Villegas, Caroline Lansang, Elizabeth Mercado at Efraim Pe­rez. (Dolly Cabreza)