GAPAN CITY, Nueva Ecija — Kasong tangkang pagpatay ang kinakaharap ng isang 42-anÂyos na obrero makaraang tagain ang kapitbahay na tumanggi sa inuman.
Ayon sa ulat, nakilala ang salarin na si Don Ravago Ongpauco, at ang tinaga nitong si Rolando Pascual, 54, kapwa residente ng NHA Pabahay, Brgy. Pambuan dito.
Lumitaw sa imbestigasyon na dakong alas-10:30 ng gabi, nag-iinuman sina Ongpauco at kaibigan nito nang mapadaan si Pascual at niyayang samahan sila pero tumanggi ito at idinahilang bibili ng gatas para sa anak.
Humantong sa pagtatalo ang pag-uusap hanggang sa kumuha ng itak si Ongpauco at hinataw si Pascual sa ulo pero ginawang panangga ang mga braso at doon nagtamo ng mga sugat.