Nauwi sa kamatayan ng isang hinihinalang big-time pusher at tumatakbo pang konsehal makaraang manlaban umano sa ikinasang buy-bust operation sa bayan ng Pilar, Sorsogon.

Kinilala ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang napatay na si Roy Lumbao, 55, sa operasyon na ginawa sa Brgy. Bi­nuahan, alas-8:30 nang gabi kamakalawa.

Sa nasabing operasyon nakabili umano ng shabu kay Lumbao na nagkakahalaga ng P18,000 ngunit nang matunugan nito na operatiba ang kanyang katransaksiyon ay nag­labas ito ng .45 pistol at pinaputukan ang pulis na agad gumanti sa suspek at ikinasawi nito.

Kabilang umano sa mga high-value target si Lumbao at matagal nang sinusubaybayan ng mga awtoridad.