Hanggang sa testimonya sa paglaganap ng droga sa New Bilibid Prison (NBP) lamang ang sakop ng immunity na ibinigay ng liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa mga tumestigong preso.
Ito ang nilinaw kahapon sa Kamara matapos pagkalooban ng immunity ang unang anim na saksi na iniharap ni Department of Justice (DOJ) Secretary Vitaliano Aguirre III sa House committee on justice na nag-iimbestiga sa paglaganap ng droga sa NBP.
Ang anim na testigo ay kinabibilangan nina Herbert Colanggo, Noel Martinez, Jaime Pacho, Rodolfo Magleo at Rafael Ragos ng Bureau of Correction (BuCor) at Jovencio Ablen Jr., ng National Bureau of Investigation (NBI).
“Don’t get the impression that their exemption will go to the extent of their criminal liability for their drug convictions,” pahayag ni Albay Rep. Edcel Lagman sa press briefing kahapon.
Nilinaw din ni Aguirre sa komite na tanging sa statement lang ng mga saksi sa nasabing pagdinig sila “immune” sa kaso na maaaring isampa laban sa kanila.
“We did not promise them anything,” ni Aguirre sa komite kahapon nang personal nitong hingin sa mga mambabatas na bigyan ng immunity ang kanilang mga witness na agad namang inaprubahan ni House Speaker Pantaleon ‘Bebot’ Alvarez.
KAGAGUHANG MALAKI KAPAG PINALAYA SILA DAHIL SA DI MAKATOTOHANANG SALAYSAY NILA, SILA NGA ANG PINAGMULAN NG MALAKING PROBLEMA NA ITO AT DAHIL LANG KAGUSTUHAN NG GOBIERNO NA PABAGSAKING SI DELIMA AY PAKAKAWALAN SILA?
buti nmn dahil hindi ma atim ng kaibuturan ko na palayain yang herbert kolangot na yan…