Nasawi ang isang 50-anyos na rider matapos salpukin ng isang kotse ang minamaneho nitong motorsiklo, kamakalawa ng hapon sa may Tondo, Maynila.
Tumilapon pa ng ilang dipa ang biktimang si Ariel Cano, taga-815 Coral St., Tondo, Maynila.
Nahaharap naman sa kasong reckless imprudence resulting in homicide ang suspek na si Francis Sherwyn Jan Lao, 19, estudyante at taga-712 Madrid St., Binondo, Maynila.
Sa imbestigasyon ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU) naganap ang insidente dakong ala-1:45 ng hapon sa may kahabaan ng Jose Abad Santos St. corner C. La Torre St., Tondo, Maynila.
Pagsalpok ng kotse ay tumilapon ang biktima at tumama ang ulo sa sementadong kalsada na nagresulta ng agaran niyang kamatayan.
Kaagad naman sumuko sa awtoridad ang suspek.