Tumulong na lang dapat

Letter To The Editor

Dear Sir:

Walang dapat ipa­ngamba ang mga residente ng Baguio. Ayon kay Imam Samsodin Monib, lider ng Muslim community, bumuo sila ng task force upang magmanman sa pag-akyat ng mga kapwa nila Muslim sa natu­rang lungsod. Dagdag pa niya, may mga pamilyang Muslim na nakatira sa Baguio na posibleng lumipat sa Marawi ang maaaring umakyat ­muli dahil sa nagaganap na kaguluhan.

Mabuti pa ang mga Muslim community naki­kipagtulungan sa gobyerno­ at militar. Gumagawa sila ng sariling paraan upang makatulong sa pagpigil sa pagkalat ng terorismo sa lugar na kinalalagyan nila ngayon.

Ganito dapat ang aksyon ng mga mamamayan nawa ay tularan ito ng iba pang organisasyon ka­tulad ng Commission on Human Rights at iba pang makakaliwang grupo nang may maitulong sa gobyerno. Hindi puro rally, wala naman ‘yan maitutulong sa ating pakikipaglaban sa ­terorismo.

Kung ayaw niyo naman tumulong, manahimik na lang kayo sa bahay niyo ‘wag na kayo makisawsaw sa isyu ng giyera at Martial Law.

JAMAICA REY
Compostela Valley

***

Dear Sir:

Paiigtingin na ngayon­ ang ‘No ID, No Entry’ sa mga checkpoints papasok at palabas ng Koronadal upang masiguro na ligtas sa kapahamakan ng mga mamamayan. Dahil ito sa kumalat na impormasyon na may 10 miyembro ng Maute ang nakapasok sa South Cotabato.

Sana ay hindi ito ma­ling impormasyon kaila­ngan lalong maging alisto ang mga mamamayan ng Koronadal. Huwag sana silang tumulad sa mga tagasuporta ng Maute sa Marawi, bagay na nagdulot ng malawakang pinsala sa bayan nito.

Kung susuporta man ang mga tao sa Maute, ‘di malabong danasin din nila ang dinaranas na kalbaryo ngayon ng mga taga-Marawi. Koordinasyon sa awtoridad, simpleng pa­kinggan ngunit malaking tulong ito mula sa mamamayan.

JAMAICA R. REY
Compostela Valley