Tunawin ang Holiday fats

julius-segovia

by Julius Segovia

Tapos na ang Christmas break. Time to burn those holiday fats. Malamang sa hindi, marami sa atin nag-gain ng weight dahil sa kaliwa’t kanang handaan nitong Christmas season.

Nasa 3 to 5 pounds ang karaniwang nadadagdag sa bigat ng isang taong hindi tumigil sa pagkain nang dalawang linggo. Hindi nakontrol ang sarili sa pagkain ng fatty foods gaya ng lechon at iba pang putaheng karne. Siyempre hindi rin nawala sa handaan ang pag-inom ng alak.

Ayaw mo namang mag-back to work or school na sabihan kang “parang tumaba ka!” Aba, kilos kilos din ‘pag may time. Halina’t tunawin ang holiday fats para maging firm and healthy uli ang iyong body figure.

Simulan mo na uling mag-exercise. Dapat laging kasama ang pag-eehersisyo sa iyong to-do-list.

May araw na parang tamad na tamad kang mag-workout. “Punish yourself for not showing up in the gym.” Kung dati 2 repetitions lang ang exercise mo, gawin mong 3 or 4. Pero i-check din kung kaya ng resistensiya. Baka mamaya mag-collapse ka naman sa sobrang parusa sa sarili.

Maghanap ng fitness buddy. Mas nakaka-eng­ganyo kasing mag-workout nang may kasama. Puwede siyang family member, kaanak o di kaya’y kaibigan na maaari kang samahan anytime.

“Do workouts that you enjoy the most.” Importante ring nakaka-burn ng fats ang physical activity na iyong gagawin kabilang ang biking, running at weight lifting.

Tandaan, results are not instant. Kaya mainam na may progress report ka para mas ma-motivate mo ang iyong sarili sa pag-woworkout.

Ang sa akin lang, “do it for yourself.” Hindi ka mag-woworkout para magpa-impress sa ibang tao o di kaya’y mag-selfie sa loob ng gym. Kailangan mo talagang mag-ehersisyo para maging malusog ang iyong pa­ngangatawan.