Tunay ayaw sa anti-terror bill

“Hustisya!”

Iyan ang panawagan ni Philippine SuperLiga (PSL) star Maria Carmela ‘Mela’ Tunay para sa mga kinakaharap na isyu sa lipunan.

Sa Twitter post ng Petron Blaze Spikers player kahapon, ipinunto niya ang katarungan para sa taumbayan.

“Bakit ba kailangang magmakaawa ng mga tao sa gobyerno para lang makatulog ng mahimbing gabi-gabi knowing that it’s safe here?” tweet ng 24-year-old, 5-foot-7 open hitter na tubong Mandaluyong pero residente na ng Makati.

“For once, hustisya naman sa mga desisyon,” panapos na wika ng balibolista. “We cannot stand any more abuse and injustice! #VetoTerrorBill #VetoTerrorBillNow!” (Janiel Abby Toralba)