Tunay may hatid na Easter song sa lahat

Isang awit ng papuri ang hatid ni Premier Volleyball League star Maria Carmela ‘Mela’ Tunay sa Easter Sunday.

Ibinahagi ni Tunay ang kanyang pagkanta via Instagram video kahapon.
“I am not a singer, but today I chose to celebrate Christ’s resurrection through a beautiful song –Goodness of God,” esplika ni Tunay sa kanyang post.
Iginiit rin ng 24-anyos, may tas na 5-7, tubong Mandaluyong at Petron Blaze Spikers open hitter sa caption, na bagama’t may kinakaharap na global health crisis (COVID-19) ang mundo, hindi dapat kalimutan ang Maykapal.

Paliwanag pa ni Tunay, “rRght now that everything seems overwhelming, our faith are being tested. On top of the pandemic, the world continues to drown in many other crisis and amidst all of this, I want to be reminded that God is good and His mercy never fails us. The song calls us to remember that “in our darkest nights, He is close like no other.
“We have an unfailing God. That’s all we have to hold on to. ❤🙏🏼,” pahabol ng balebolista .

At sa araw ng Easter Sunday, pinaalala ni Tunay ang bagong simula na hatid ng Araw ng Pagkabuhay.

“Happy Easter! He has risen! Cheers to miracles and new beginnings. God bless us all!” (Janiel Abby Toralba)