Tupada sa Taguig nilusob

Kulungan ang bagsak ng dalawang lalaki matapos mahuli sa iligal na tupada sa Taguig City, Linggo ng umaga.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Presidential Decree No. 1602 o illegal cockfighting ang mga suspek na sina Ariel Celle, 48, at Richard Alcazar, 43.

Batay sa ulat ni Police Col. Celso Rodriguez,­ hepe ng Taguig City Police, nadakip ng mga tauhan ng Police Community Precinct 1 sa pangu­nguna ni PSSg.
Martel Charles Lacuesta ang dalawang suspek habang nagsasagawa ng iligal na tupada sa Corocan St., Brgy. Western Bicutan bandang alas-10:00 ng umaga.

Ayon sa report, nagkasa ng anti-criminality operation kontra illegal gambling sa lugar nang matiyempuhan ang tupada na kinasasangkutan ng grupo ng kalala­kihan.

Agad nagtakbuhan ang mga sabungero at miron subalit nasakote ng mga pulis ang dalawang suspek na nahulihan din ng dalawang panabong na manok at P1,220 cash na sinasabing pusta sa tupada. (Vick Aquino)