Malaking kawalan sa ating turismo ang paglabas ng travel advisories ng ilang bansa dahil sa banta ng terorismo sa Pilipinas.

Isang malinaw na halimbawa ay ang pagkansela ng biyahe ng ilang Japanese national na ayon sa Department of Tourism (DOT) ay katumbas dapat ng P30M kita para sa bansa.

Maliban sa Japan ay nauna nang naglabas ng travel advisory ang Australia, US, South Korea, New Zealand at French government.

Kaya sana ay matapos na ng gobyerno ang problema sa tero­rismo para manumbalik ang sigla ng ating turismo.

Sayang naman ang effort ng DOT kung may ganitong klaseng problemang kinakaharap ang bansa na nagpapaatras sa mga dayuhan para bumisita sa ating bansa.

Bagama’t kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) na ‘contained’ na ang ilang galamay ng bandidong Abu Sayyaf na tumakas at nagkubli sa bulubundukin ng Bohol ay napakahirap pa ring maging kampante.

Kaya sana ay ma­tinding pagbabantay sa seguridad ng taumbayan ang ipatupad ng mga awtoridad upang hindi makalusot ang mga bandidong grupo na nagiging balakid na sa pag-unlad ng ating bansa bunsod ng takot na inihahatid ng mga ito sa mga dayuhan at sa mga gustong maglagak ng negosyo sa ating bansa.

Hangad naming katulad ng marubdob na kampanya ng pamahalaan kontra ilegal na droga ay ganito ring kapursigido ang gobyernong Duterte na pulbusin ang mga rebeldeng grupong Abu Sayyaf.

4 Responses

      1. NGIYAAWWWWWW….
        IKAW PALA ANG PABORITONG A$O NI DIGONG NA TAGA-HIMUD NG PWET NYA HAHAHAHA ..HEHEH
        KAYA PALA KULAY DILAW NA ANG UTAK MO, NAGNA-NAKNAK NA HAHAHA
        ANU BA LASA NG PWET NYA? LASANG FENTANYL BA? HAHAHA ..HEHEH

        MABUHAY TAYUNG MAKA-DUTERTE, MABUHAY TAYUNG MGA SIRA ULO ..HEHEH (sana ma-EJK ka, kahit na multo ka na hahahahaha)