Hindi na talaga mapag-iiwanan ang Zambales pagdating sa turismo.

Ang bongga na nga­yon. Lalong dumarami ang mga pasyalan.

Mga resort, beach at iba pang patok sa mga turista.

Sa mga nature lover patok din ang Zambales dahil sa ipinagmamalaking Mt. Pinatubo sa Botolan, Zambales na nasa bucket list ng mga turista.

At siyempre sangka­tutak na rin ang mga commercial establishment sa iba’t ibang bayan ng Zambales ngayon na isang malinaw na pruweba na maunlad na ang lalawigang pinamumunuan ni Governor Amor Deloso (hindi ba Mr. Randy Datu)?
Sa wakas naman ay nagbunga na ang matagal nang pagsusumikap ni Gov. Deloso na paunlarin ang lalawigan ng Zambales.

***

Speaking of pagpapaunlad ng Zambales, naniniwala rin akong malaking tulong ang magagawa ni Angel Balangon Diesta ang sikat na production designer na nakilala dahil sa mga pabolosong trabaho niya sa mga show sa ABS-CBN sa kanyang sinilangang bayan ng Botolan.

Sabagay wala pa sa isipan ni Angel ang pagsabak sa politika ay love na niya ang public service.

Sa katunayan dahil kay Angel ay nakilala ang mga sikat na pasyalan sa Botolan at dinarayo ngayon ng maraming turista dahil bukod sa hindi nalalayo sa nagagandahang isla sa Boracay ay malapit pa ito kumpara sa ibang beach na kailangan mo pang mag-eroplano o gumastos ng bongga para makapagtampisaw.

Kaya sa pagsabak ni Angel sa politika sa Botolan, for sure marami pa itong maitutulong sa mga taga-Botolan, hindi lamang sa turismo kundi sa iba pang larangan na magpapaangat sa kalagayan at kabuhayan ng mga mamamayan ng Botolan.
Sabi nga ni Angel, panahon na para iba­hagi naman niya sa mga kanyang mga kababayan ang tagumpay na kanyang inani sa kanyang career sa pamamagitan ng paghahatid ng serbisyo ng mas mahabang oras.

Attachments area