Nanganganib ang turismo sa bahagi ng ­Visayas dulot na rin sa pamamayagpag ng bandidong grupong Abu Sayyaf sa lugar.

Ayon ito kay Senador Juan Miguel Zubiri ­kasabay nang ipinahayag nitong pagkaalarma matapos na mapasok na rin ng grupo ang bahagi ng Visayas partikular ang Bohol na isa sa mga ­dinadayo ng mga turista.

Kaya naman, kinalampag ng senador ang ­militar at pulis na higit pang paigtingin ang kanilang intelligence network at makipag-­ugnayan sa ibang intelligence units ng ibang ­bansa para masukol ang mga bandidong grupo.

Nitong nakaraang linggo, siyam na katao ang nasawi kabilang ang tatlong sundalo at isang ­pulis matapos makipagbakbakan sa bandidong grupo sa Bohol.