Ipapagpag ng Magnolia ang masaklap na 97-93 overtime loss sa Ginebra para makapag-focus sa mga susunod pang laro at humabol sa playoffs ng PBA Philippine Cup.
Kabuhol ng Hotshots (3-5) sa 8th-9th ang Alaska na makikipagbuno sa Meralco (3-6) sa first game ng elims mamaya sa Smart Araneta Coliseum.
Uumpisahan ng Magnolia ang playoff push kontra 11th NorthPort (2-5) sa 7pm main game.
Inumpisahan ng Batang Pier ang season-opening conference sa 2-0, pero nalimahang sunod na talo na huli sa San Miguel 113-107 noong March 10.
Turnovers ang nakikitang dahilan ni coach Chito Victolero kaya nag-collapse ang Magnolia sa Gins.
Mas marami ang turnovers ng Ginebra (26), pero tatlo sa 20 miscues ng Hotshots ay dumating sa OT. Pito sa errors ng Magnolia ay nilista ni Mark Barroca.
“Marami lang kami sigurong turnovers nu’ng overtime, kailangan lang siguro naming bawasan,” ani Victolero. “Sabi ko lang sa players ko eh let’s stay together, let’s move forward and focus on the next game.”
Sa Biyernes ay balik sa court ang Hotshots para harapin naman ang Blackwater sa Antipolo.
Samantala, matibay sa first three quarters ang NorthPort pero laging nauubusan ng momentum pagdating ng final frame.
“We are having trouble in the fourth quarter,” puna ni Batang Pier forward Mo Tautuaa. “Figuring out our rhythm and getting that extra push is all we need. As far as I could tell right now, we need that last push.”
(Vladi Eduarte)