As expected ay agad may nagsumite ng mga panukalang batas sa Senado at sa House of Representatives upang makalikha ng separate department para sa overseas Filipino workers (OFWs).
Sa House Bill No. 192 na iniakda ng isang party-list representative, tatawagin ang OFW department bilang Department of Migration and Development o DMD.
Ang naturang House bill ay may counterpart measure na sa mataas na kapulungan na isinubmit naman ng isang veteran senator.
Mandato
Malinaw na ang HB 192 ay inspired ng pronouncements ni President Duterte na isusulong niya ang pagkakaroon ng OFWs ng kanilang sariling departamento sa pamahalaan.
Sa kasalukuyan ay bahagi lang ng mandato ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Department of Foreign Affairs (DFA) ang pangangalaga sa kapakanan ng OFWs. Sa ilalim ng DOLE ay nandiyan ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na tumatayong regulator ng mga recruits.
In-charge
Bukod sa POEA, isa pang agency ang nasa ilalim ng DOLE at iyan ay ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), na in-charge sa provision ng mga pabenepisyo sa OFWs, gayundin ang repatriation ng distressed OFWs.
Isa namang maliit na tanggapan sa DFA, ang migrant workers office, ang tumutulong rin sa mga OFW.
Batay sa proponent ng HB 192, nagtuturu-turuan ang mga ahensyang in charge sa OFW affairs oras na nagkakaproblema kung kaya dapat nang magtalaga ang pamahalaan ng isang departamento na talagang tututok sa OFW concerns.
Support system
Layon raw ng HB 192 na bumalangkas ng mga policy na magpo-promote sa protection, safety, development at support system para sa OFWs. Isusulong rin daw ng itatayong OFW department ang komprehensibong social service protection program para sa OFWs, gayundi ang on-site welfare and legal services sa abroad.
Let’s see what the final law on this OFW department will be, whether or not it will be responsive sa pangangailangan ng mga OFW.
Come Follow Me on Twitter @beeslist. And Chime In with your opinions or comments. Kung may pinagsisintir, email lang sa usapang_ofw@yahoo.com or tumawag sa phone number 551-5163.