Iniimbestigahan ngayon ng Bureau of Fire Protection (BFP) at Cavite police ang pagkakasunog ng isang bahay kung saan natagpuan ang sunog na bangkay sa Trece Martires City.

Inaalam pa ang pangkakakilanlan ng nasunog na bangkay, bagamat ayon sa mga residente ay isang babae ang nakatira sa bahay.

Ayon sa naantalang report ng Trece Martires City Police Station, alas-5:30 ng Lunes nang madaling-araw nang naganap ang insidente sa isang bahay sa Block 79 Lot 30 Pag-ibig Housing, Brgy. Hugo Peres, Trece Martires City.

Ayon sa isang Reynaldo Acebar, kapitbahay ng nasunog na bahay, na­gising siya sa makapal na usok na nanggaga­ling sa kanilang kapitbahay dahilan upang hu­mingi ng saklolo. Pagkaapula sa bahay ay bumulaga ang bangkay. (Gene Adsuara)