Tuta ni Cayetano sumagpang ng P6B pork

Isang mambabatas na ‘bata’ ni House Spea­ker Alan Peter Cayetano ang inakusahan ng kanyang kasamahan sa ­Kamara na nagsingit ng P6 bilyong halaga ng pork barrel sa ilalim ng 2020 national budget.

Ito ang ibinunyag ni Mindoro Oriental Rep. Salvador ‘Doy’ Leachon na kilalang dikit kay Velasco na itinuro naman ni Cayetano na umano’y nagpaplanong patalsikin siya sa puwesto matapos.

Una nang hinamon ni Leachon si House Deputy Speaker at Camarines Sur Rep. Luis Raymund ‘LRay’ Villafuerte na pangalanan ang umano’y 20 kongresista na inalok ng posisyon ni Velasco kapalit ng pagsuporta dito para patalsikin si Cayetano.

Ayon kay Leachon, natatakot lang si Villafuerte na matuklasan ng mahigit 30 kongresista ang kanyang siningit na pork barrel sa ilalim ng 2020 national budget kung kaya’t ganoon na lamang ang pagsipsip diumano kay Cayetano para maisulong ang kanyang personal na interes.

May pinadalang dokumento si Leachon sa mga reporter sa Kamara na naglalaman diumano ng congressional realignment na ginawa ni Villafuerte na nagkakahalaga ng P6.293 bil­yon na siningit sa 2020 national budget.

Si Leachon ay sinibak bilang pinuno ng House contingent sa House of Representatives Electo­ral Tribunal (HRET). (JC Cahinhinan)