Tutukan din ang iba pang krimen

May pangamba ang ibang ordinaryong mamamayan na baka nakasentro­ na lamang sa iligal na droga­ ang ating pamunuan ng Philippine National Police (PNP) at nakakaligtaan na ang pagsugpo sa iba pang kriminalidad.

Bagama’t maaaring­ ang iba pang krimen ay ­ nag-ugat sa bawa­l na gamot­ gaya ng holdapan, akyat-­bahay, rape at homicide o murder, dapat ding tutukan ang mabilis na paglutas­ at agad na paghuli sa mga ­suspek.

Ang binabanggit natin ay kagaya ng pagkadakip sa suspek sa brutal na pagpatay sa isang nurse ng St. Luke’s Medical Center. ­

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director Senior Supt. Guillermo Eleazar ang suspek na si Jeffrey Guarin,­ 22, na dati nang sumuko sa ilalim ng Oplan Tokhang noong July 15.

Inamin ni Guarin na lango siya sa iligal na droga­ nang kanyang gawin ang pagpatay sa biktimang si September Ann Paz, 24, na nagtamo ng 19 na saksak sa katawan.

Isa pang krimen ay ang pamamaril sa anak ni Quinnie­ Casimiro ng ABS-CBN Zamboanga.

Si Jan Dexter Rafael Concepcion, isang IT specialist, ay binaril noong August 8 sa harap ng Avida­ Condominium sa EDSA, Brgy. Bagong Pag-asa sa Quezon City ng ­dalawang lalaki na nagtangkang ­nakawin ang kanyang cellphone habang siya ay ­naglalakad.

Sa follow-up operation ng QCPD noong August 17 at August 19, magkasunod na naaresto sina Ronnie ­Espinosa at Ariel Acaso.

Hindi pa masabi kung konektado sa droga o gumagamit ng drugs ang mga salarin, ang i­mportante mahuli agad at maipakulong ang mga suspek.

Isa pang matagumpay na operasyon ng QCPD ay ang pagkakapatay sa kilabot na pinuno ng isang gun-for-hire gang na nag-o-operate sa Region 3, Region 5 at Metro Manila.

Ang napaslang ay si Glen Peregrino Ebio, 31, na matagal nang may standing­ warrant of arrest para sa kasong murder, at isa pang lalaki na hinihinalang ­miyembro rin ng sindikato.

Noong July 12, nagawa­ namang mapilayan­ ng QCPD ang kilabot na Asero­ Drug Group maka­raang mapatay sa eng­ku­wentro ang pinuno at apat na ­miyembro ng sindikato sa ginawang buy-bust ­operation ng Anti-Drug ­operatives ng QCPD Station 4 sa Novaliches.

Gusto nating papurihan­ si Senior Supt. Eleazar. Mayroon siyang kakaibang momentum sa paglaban sa krimen. Hindi lamang siya naka-focus sa iligal na droga­ kundi sa pangkalahatang kriminalidad.

Maganda ang feedback natin dito kay Sr. Supt. ­Eleazar na nabansagan nang “purger” o maninibak dahil sa dami ng mga tauhan sa QCPD na kanyang inalis sa puwesto na aabot na sa 150.

Iyan ang mga hina­hanap nating magpapabago sa imahe ng PNP. Dapat ay mabilis, matapang at masigasig na pag-aksyon laban sa krimen.

Pero kung may bad ­policemen, pinangunahan naman mismo ni Sr. Supt. Eleazar ang pag-­promote sa 627 pulis ng QCPD ­patungo sa ranggong PO2, PO3 at PO4. Ito ay mga ordinaryong pulis at hindi mga opisyal.

Giit ni Sr. Supt. Eleazar,­ naniniwala siya sa prinsip­yong “reward the good, ­reject the bad”. Ito ay pagpapa­kita lamang na siya ay patas sa pagtrato sa kanyang mga ­tauhan.

Sibakin nga ­naman ang mga may bahid ang i­ntegridad, pero bigyang-pagkilala ang mga tunay na nagsisilbi sa taumbayan.

Ituloy lang ninyo ‘yan, sir. Mahalaga na tutukan din ang iba pang krimen maliban sa problema sa drugs.