Sisikapin ng Generika Ayala na malampasan ang 7th place finish sa 6th Philippine Superliga 2018 Grand Prix.

Maganda na ang naging performance sa huling tournament ng Lifesavers kung saan ay nasikwat ang bronze medal sa All-Filipino Conference.

Kaya inaasahang mapapalaban ang mga bigating teams ‘pag nakatuos ang Generika-Ayala sa 7th PSL Grand Prix na magbubukas sa Sabado sa Ynares Sports Arena sa Pasig.
Hindi makakalaro sina Bang Pineda, Marie­lla Gabarda at Kath Arado. Pero mananatiling matibay ang kanilang line-up dahil nasa kampo pa sina Angeli Araneta, Patty Orendain, Ria Meneses, Fiola Ceballos at April Ross Hingpit.

Sabay ang opening PSL Grand Prix at 81st UAAP women’s indoor volleyball tournament kaya liliban sina Arado at Gabarda sa Lifesavers­ habang hindi na maglalaro si Pineda dahil napirata na ng United Volleyball Club.

May kompiyansa ang Lifesavers pagsabak sa season-opening conference Grand Prix dahil napatunayan sa nakaraang conference na kaya rin nilang makipagsabayan sa mga heavyweight.

“It’s a big impact sa amin na nakuha yung bronze medal kase goal talaga namin pumasok sa top four,” saad ni libero Arado, na desididong wakasan ang apat na taong tagtuyo sa korona o sundan ang 2014 All-Filipino crown.

===================

UNITED VOLLEYBALL CLUB
PANGARAP DINg MAGKAMPEON SA IKA-3 TAON
Ipananangga ng United Volleyball Club ang mga bagong player sa magaganap na 7th PSL 2019 Grand Prix sa Sabado sa Ynares Sports Arena, Pasig upang makasabay sa ibang mga tigasing balibolista.
Pamumunuan ni veteran Tyler Marie Kalei-Mau ang UVC kasama mga bagong miyembro na sina Amy Ahomiro, Shiela Marie ‘Bang’ Pineda at Alohi Robins-Hardy upang mas lumakas ang loob na bigyan ng ng unang korona ang UVC sa tatlong taon sa liga.
Makakasama ng local hitters sina imports Shar Tai Manu-Ole­vao at Yasmeen Bedart-Ghani.
Nakatoka kay Kalei ang pagbabantay sa net kasama sina Arianne Angustia at Ahomiro.
Dating Cocolife Asset Mana­gers, sasalang agad ang UVC laban sa kulang sa armas na Foton Tornadoes, sa Peb. 15 sa paluang magsisimula sa alas-4:00 ng hapon.