TV exec walang puso sa nagsarang network

Busy’ng-busy sa pag-browse ng Facebook ang bubwit nang bigla siyang tinawag ng kanyang kumare. May ibinulong na namang chika. Hindi mo kakayanin ito. Aba, nakikita na ngang nakalugmok ang kalaban, tinira pa ng tinira. Ang sakit noon ha. E di ba nga off air na, naglabas pa ba naman ng story na kesyo sila ang nangunguna sa ratings. E di wow!

Parang insensitive ata sabi ng bubwit. Sumang-ayon naman ang kumare. Oo nga, kompetisyon pa rin ba ang usapin? Puwede bang ceasefire muna? Press freedom kaya ang nakataya rito. Ayun, rumatrat tuloy ang kumare na isang chismosang froglet. Keber niya raw sa kabila, ang importante sila ang pinapanuod ngayon.

Aba ewan ko na lang kung matalo ka pa sa ratings. E black screen na lang ang kalaban mo. Pag ikaw nag number 2 pa, suko na ako. Iba talaga mag-alaga ang pamilya, walang iwanan. E ‘yung kumare ng bubwit, ayun may puso nga – bato naman. E di wala rin.

May dagdag pang chika, ewan ko na lang kung ano pang say mo rito. ‘Yung boss daw ng kumare ng bubwit – ayun pinagbawalan ang ibang mars na magpost ng message of support sa nag-off air. Kasi pag-ikut-ikotin man ang mundo, ‘rival’ pa rin daw ang kabila. Weird daw na nagso-show ka ng sympathy sa kalaban. Talaga lang ha? So iwanan sa ere, ganun?! Taking advantage of the situation, wow! Ayan napahirit tuloy ang bubwit, “walang ganun, mars.” Kalimutan daw munang may friendship ka sa kabila. Dito ka lang daw muna sa may puso, bago ka maki-epal sa pamilya mo. Sakit naman. Tandaan, bilog ang mundo! Ayaw paawat ng chismosang froglet, wish n’ya lang daw na hindi mangyari sa nagmamatigas na puso ang sinapit ng kabila. Kundi, bahala sila. Walang tulungan, walang kaibigan, mag-isa ka lamang. Period.