Hindi malilimutan ang isang male TV host dahil sa tuwing maglalakbay ito nang mahaba-haba, nagsasalang ito ng bold DVD, pang-iwas bagot.

Hindi naman nakikita sa labas dahil bukod sa tinted ang kanyang van ay may kurtina pa.

Sandamakmak ang kanyang VCD at DVD sa kanyang kotse. Mamili ka.

Kung ang kasama niya sa sasakyan ay mga bakla, ang isasalang niya ay man to man.

Pero kapag mga babae naman na medyo malalandi, siyempre straight porn ang kanyang ipalalabas.
At may isa pang nadiskubre ang mga reporter na suki na sa sasakyan na iyon ni male TV host na kotang-kota sa man to man videos na pinapalabas ni male TV host.

Ang ka­ni­lang nadiskubre, kapag naiihi na si male TV host ay may dala-dala siyang isang parang lagayan ng malaking mineral water at doon siya umiihi, siyempre nagtatakip naman siya.

Marunong mag-share ang male TV host na ito. Sayang nga lang at wala na siyang programa sa telebisyon sa ngayon.