Nagsipaglayasan na ang female co-hosts ng isang kilalang TV host (KTH) dahil hindi na nila kinaya ang sobrang pagiging istrikto nito.
Ibang klase dumisiplina ng kanyang mga katrabaho si KTH kaya halos walang nagtatagal na co-hosts sa show niya at laging bago nang bago ang mga nakakasama niya.
Kuwento ng isang naging co-host ni KTH, grabe ang pagka-strict nito, na bawal gumamit ng cellphone habang ongoing ang show. Kahit nasa backstage o dressing room ang female co-hosts, hindi sila puwedeng magpikyur-piktyur o mag-social media dahil magagalit ni KTH ‘pag nahuli sila.
Ang gusto ni KTH, all the time ay nasa programa ang atensiyon ng girls. Kung anong istorya ng mga contestant, kung paano nanalo at kung anong nagaganap sa bawat portion ng show, dapat lahat ‘yon ay alam nila.
Hindi puwedeng pepetiks-petiks ang co-hosts dahil tinatanong talaga sila ni KTH at dapat alam nila ang isasagot or else ay lagot sila.
Dagdag pang chika ng isang dating co-host na nakakuwentuhan namin, pati ‘yung pamilya niya na gusto sanang manood sa studio ay hindi makapanood dahil ayaw ni KTH na magbigay ng special treatment kahit kanino.
Katwiran ni KTH, dapat ay pumila rin ang mga ito gaya ng lahat ng nasa audience dahil unfair daw kung bibigyan ng importansiya ang sinuman dahil lang kamag-anak ng co-host.
Emote ni co-host, siyempre gusto niyang paupuin sa magandang puwesto ang nanay niya kapag nanood ito sa studio at kung pupuwede ay huwag na itong papilahin pa nang mahaba lalo pa’t may edad na ito.
Wala man lang daw bang ganu’ng privilege para sa kanila na parte ng programa?
Ayaw na ayaw din ni KTH na may nobyo ang mga babaeng kasamahan niya sa show. ‘Yun ang isa sa una niyang tinatanong, kung may boyfriend ang mga girls dahil ang gusto niya ay walang love life ang mga ito.
Actually, na-appreciate naman ni female co-host ang training na nakuha niya kay KTH dahil ibang klase talaga ito magdisiplina at gusto nito ay 100% din ang dedication na ibinibigay nila sa show katulad nito.
Kaya lang ay dumating sa puntong tila nasakal na rin sila at hindi na nila kinaya ‘yung grabeng pagkaistrikto ni KTH.
Ayun, nang minsang magpatawag ng emergency meeting si KTH, hindi sumipot ang female co-hosts nito. Bukod tanging isa lang ang matatag at matiyaga na dumating sa meeting.
Imbudo si KTH, so tsugi ang mga girls. Hahanap na lang ulit siya ng panibagong set of co-hosts na ipapalit sa mga ito.
‘Yung kaisa-isang natira ay may bonggang premyo mula kay KTH. Galante si KTH lalo na sa mga sumusunod at loyal sa kanya.
Nakatsika rin namin ‘yung natirang co-host na ‘yon. Ang katwiran nito, kailangan niya ang nasabing trabaho kaya pinahahalagahan niya ito at behaved siya kay KTH.
In fairness ay naa-appreciate raw niya ang pagiging mabait at supportive sa kanya ni KTH kaya susundin na lang niya ang mga gusto nito.
Kaya naman daw niya ‘yung pagkaistrikto nito, so titiisin na lang niya dahil at least ay may pambuhay siya sa pamilya niya.
PAK!!
***
Aicelle nag-iingat mabuntis ni Mark
Sinorpresa ni Aicelle Santos ang fiance nitong si Mark Zambrano nang biglang dumating ito sa house ni Mark kamakailan nang unannounced.
Sobrang nagulat si Mark sa pasorpresa ng nobya niya dahil ang tagal na nang huli silang magkita at ang alam niya ay siya ang bibisita rito sa December sa UK.
Pinlano pala talaga ‘yon ni Aicelle, pero 6 days lang ang tinagal dito ng “Miss Saigon” star at bumalik din ito agad sa Zurich, Switzerland.
Kinumpirma ni Mark na tuloy na tuloy na next year ang wedding nila ni Aicelle, na kung hindi May ay mukhang June dahil March magtatapos ang kontrata ni Aicelle bilang Gigi sa “Miss Saigon” European Tour.
May options daw si Aicelle after “Miss Saigon” pero wala pang sure na offer. But if ever ay hindi raw ito pipigilan ni Mark dahil bihira lang dumating ang opportunity na gano’n.
Okey lang kay Mark kung magkaroon ulit ng offers si Aicelle abroad after their wedding.
Eh paano kung biglang ma-preggers si Aicelle kahit hindi pa sila kasal?
“‘Yun ang talagang pinagpaplanuhan namin. Hindi pa puwede. Kasi, mahirap ‘yung buntis na Gigi kasi naka-two-piece. Baka sapakin ako ni Cameron Mackintosh (producer ng ‘Miss Saigon’)!
“Mahirap, mahirap talaga. Hindi pa puwede. Maingat kaming dalawa! Ha! Ha! Ha!” tawa ni Mark.
Beach wedding daw ang naisip nila initially, pero simple lang ito na Christian wedding. Mase-settle raw lahat ‘yon pag-uwi ni Aicelle dahil mahirap magplano na magkahiwalay silang dalawa.