NI: ROLDAN CASTRO

Magpapatuloy ang paghahatid ng pinakamalaking balita ng ABS-CBN News sa mga Pilipino sa buong mundo sa pamamagitan ng “TV Patrol” na magbabalik simula ngayong gabi (Mayo 7).

Mapapanood ang nangungunang newscast sa bansa na “TV Patrol” sa Facebook at YouTube channel ng ABS-CBN News, iWant at sa The Filipino Channel (TFC).

Ang paghahatid ng ABS-CBN ng balita sa digital platforms at social media ay hindi sakop sa kautusan ng National Telecommunications Commission na nagpatigil ng pagbroadcast ng ABS-CBN sa telebisyon at radyo.

Tuloy po ang ating malawakang pagpapatrol. Tulad ng aming ipinangako, hindi kami mananahimik, at hindi kami mapapagod na maglingkod sa Pilipino.