KILALANG female TV & radio personality, minaliit ang isang bading na may dalang bag!
Kuwento sa akin ng nag-e-event na bading, tiningnan siya ni girly from head to foot, sabay irap na akala mo eh ito ang may-ari ng building.
Si TV & radio personality ay yumaman na dahil sa tagal niya sa television.
Hindi mo ito maiisahan dahil matalino siya noong bata pa siya as in laging may honor sa school.
Mahilig siya sa mga mamahaling gamit, lalo na sa mga original bag.
Tingin pa lang niya, knows na niya agad kung trulili o fake ang bagey.
Hindi siya nagpapatalbog sa mga rich & famous na ang bag ay dolyares ang price.
Alagang-alaga niya ang collection ng kanyang mga bag.
Nagagalit na ang mudra niya at jowa dahil najujubos ang kinikita niya sa expensive bags.
Sa isang party-party, naimbitahan siya. Siempre, feel na feel niya ito dahil irarampa niya ang pinakamahal niyang bag.
Pag-entrada niya sa venue, ang daming tao!
Halos lahat eh nakatingin sa kanya dahil kilala siya, ‘noh?! And in fairness, maganda pa siya.
My mga taga-showbiz, taga-politics at mga babaeng belong sa alta sociedad.
Na-sight ni ate ang model-turned-actress na pa-La Ocean Deep na.
Beso to the left, beso to the right sila! ‘Tsurang magkapalit na sila ng face!
Nag-eskrimahan sila ng English na mahihiya ang taga-London sa mga twang at accent nila.
Nang biglang my dumaang bading na nagmamaganda rin at knows pala siya ni model.
Siempre, beso-beso ulit at chikahan at ipinakilala si juding garcia kay TV/radio personality.
Napansin agad ang ni TV/radio personality ang bag na dala ni beki.
Q&A sila at tinumbok ni girly na fake ang dalang bag ni vaklush. Siempre, hiyang-hiya si nyokla mirasol.
Namula ito at sinabing gift lang ‘yun ng friend niya.
Second hand lang ang bagey, pero pinanindigan ni beki na true ang bag dahil pinauri niya pa ito.
Pero si ateng, ngiting-aso pa rin at chinikang niloko lang si gay social climber.
Sumabat si mowdel at tumili, “Excuse me lang, ha?! Friend kong si … (name ni actress na maraming bag) ang nagbigay niyan, ‘noh?! Call ko siya, kausapin mo para magkaalaman na!” Si ateng na nagmarunong at nagmaganda, napahiya.
Biglang lumayas!!!