Malaking katanu­ngan pa rin kay Ginebra coach Tim Cone kung makakapaglaro na ang kanyang big man na si Greg Slaughter laban sa San Miguel Beer sa semifinals ng PBA Philippine Cup.

“Our big question mark obviously is whether Greg is gonna play,” lahad ni Cone matapos walisin ang Rain or Shine sa quarterfinals, huli ang 99-91 Game 2 win nitong Miyerkoles sa Smart Araneta Coliseum.

Itinakbo rin ng Gins ang opener 88-80.

Alas-siyete ng gabi ng Biyernes, March 9, ang Game 1 ng best-of-seven series sa Big Dome rin.

Sa praktis ay inabot ng sprained ankle ang 7-foot slotman, at hindi nakalaro sa final game ng eliminations kontra Rain or Shine noong March 3. Nasa sidelines lang din si Slaughter nang kalusin ng Gins ang Elasto Painters pa rin sa dalawang laro sa quarterfinals.

Kaya aligaga si Cone kung mabubuo ang kanyang Twin To­wers kasama si Japeth Aguilar sa pagsagupa sa Beermen na may dambuhalang June Mar Fajardo sa gitna.

“But we do expect him some time in t

he series. Just hoping we don’t fall too far behind without him so that he can make an impact,” dagdag ni Cone.
Kung makakalaro si Slaughter sa series, positibo si Cone na may tsansa laban sa team na tumalo sa kanila sa pitong laro sa Finals ng parehong torneo noong isang taon.

“That (paglalaro ni Slaughter) would rea­lly help us equalize San Miguel,” aniya. “He’d be the ‘Great Equalizer.’”