Two-game skid tinapos ni Valdez, Creamline

Mga laro sa Martes (The Arena, San Juan)
1:00 p.m. — PAR vs. Cignal (m)
4:00 p.m. — Creamline vs. BaliPure (w)

Inabot ng ankle injury si Alyssa­ Valdez pero hindi nagpapigil para ­giyahan ang Creamline sa 25-21, 28-26, 23-25, 12-25, 15-12 pag-ambush sa Air Force sa main game ng Premier Volleyball League Reinforced Conference sa The Arena sa San Juan kagabi.

Halatang iniinda na ni Valdez ang injury pero tinuloy ang laro sa deciding set. Nang dumikit ang Lady Jet Spikers, 14-12, ibinaon ni Valdez ang panelyong iskor para pigilin ang two-game skid ng Cool Smashers at itulak sa 2-3 card.

Nakarebanse naman ang defending champion Pocari Sweat nang wali­sin sa tatlong sets ang Power Smashers 25-21, 25-20, 20-16.

Tumikada si Myla Pablo ng 18 points kasama ang 14 kills, may 12 points si Elaine Kasilag tungo sa four-game winning streak ng Lady Warriors.

Sadsad sa unang dalawang laro ang Pocari Sweat kasama ang paninilat sa kanila ng Power Smashers.

Kapit na ng Lady Warriors ang tuktok ng team standings (4-2) matapos madungisan ang BaliPure na natisod sa Perlas 22-25, 22-25, 25-22, 25-16, 15-12 sa unang laro.

Nirehistro ni DimDim Pacres ang 10 markers para sa Power Smashers na naramdaman ang pagkawala nina Arellano University trio Jovelyn Prado, Regine Arocha at Andrea Marzan.

May 3-3 karta ang Power Smashers.