Kinuwento ni former boxing champion Mike Tyson na minsan niyang binalak makipagsuntukan sa isang silverback gorilla sa isang private tour sa zoo.

Sa pamamasyal kasama ang dating asawang si Robin Givens sa New York Zoo taong 1986, kinausap daw ni Tyson ang zookeeper para maka-one-on-one ang gorilla.

Nag-offer umano ang 52-anyos na ngayong si Tyson ng $10,000 (lampas kalahating P .5 milyon) sa zookeeper para payagang makabugbugan ang gorilla.

Ang dahilan, naasar umano si Tyson sa gorilla nang i-bully ang iba pang gorilla sa kanilang kulungan.