Magarang sinimulan ng National U ang tangkang three-peat sa men’s division ng UAAP Season 79 badminton tournament nang dominahin ang A­damson 5-0 sa Rizal Memorial Badminton Hall.

Nasa ilalim na nga­yon ni coach Jaime Llanes, pinahaba pa ng Bulldogs ang hindi mabasag na winning streak sa 19 ties sapul pa noong 2014.

Nitong offseason ay pinalitan ni Llanes si Jojo Mance, naggiya sa NU sa tatlong titulo sa nakalipas na apat na taon.

Natapos na ang tour of duty sa Bulldogs ni Peter Magnaye, ang MVP noong nakaraang taon, pero mukhang hindi pa rin matibag ang squad.

Sa iba pang laro, pinayuko ng last year’s runner-up De La Salle ang FEU 4-1, binokya rin ng University of Santo Tomas ang UE 5-0, at ni­lambat ng UP ang Ateneo 4-1.

Hahabulin ng Bulldogs ang ikalawang sunod na panalo kontra Tigers sa isa sa naka-iskedyul na laro umpisa 8:00 a.m. ngayon sa parehong ve­nue.