Team-to-beat ang La Salle Green Archers, maraming nagpalakas na teams para paghandaan ang 79th UAAP seniors basketball tournament, pero hindi magpapasindak ang National University Bulldogs.
“We started slow last season, but I’m confident,” saad ni NU head coach Eric Altamirano.
Tumapos ng 7-7 ang Bulldogs sa Season 78 at kahit kalahati sa kanyang players ay rookie, kumpiyansa si Altamirano na lalaban ng sabayan ang koponan.
“We’re capable in beating top teams, everybody can step up,” anang tactician. “Maganda ‘yung mixture ng players ko.”
Paghuhugutan ng lakas ni Altamirano sina team captain Alfred Aroga, guard J-Jay Alejandro at transferee forward Matt Aquino.
“Dapat mas better kami ngayon compared to last season kahit marami rin sa amin ang nawala,” dagdag ni Altamirano.
Mahigpit ang depensa ng Bulldogs pero ayon kay Aroga, nag-improve na rin ang kanilang opensa.
Makikilatis ang Bulldogs sa Miyerkules sa Mall of Asia Arena kontra University of the East Red Warriors sa alas-dos ng hapon.
Samantala, sa Sabado pormal na bubuksan ang 79th UAAP sa Plaza Mayor ng UST grounds.
Sa umpisa ng hostilidad sa Linggo, maghaharap ang University of the Philippines at Adamson sa first game (2 p.m.), sunod ang last year’s runner-up University of Santo Tomas kontra Ateneo (4 p.m.).