Mga laro ngayon:
(Moro Lorenzo Field)
9 a.m. – AdU vs UST (men’s elims)
1 p.m. – UE vs Ateneo (men’s elims)
3 p.m. – NU vs FEU (Jrs. Finals)

Ilalabas ng Far Eastern University-Diliman at National University ang lahat ng mga nakatagong armas pagharap nila sa one-game Final ng UAAP Season 81 juniors football championship sa Moro Lorenzo Field, QC.

Magsisimula ang giyera ng FEU-Diliman at NU sa alas-3:00 ng hapon.

Hindi nagkatalo ang Baby Tamaraws at Bullpups sa elimination round matapos ang scoreless draw sa unang pagtutuos.

Nais ng FEU-Diliman na pahabain ang pamamayagpag sa siyam na taon habang target ng NU na kuminang na ngayong season.

Hindi na nakakalaro sina Gio Pabualan at Orlan Togores matapos ang matagumpay na anim na taong kampanya. Gayunman, nakopo pa rin ng Baby Tams ang top spot tangan ang 17 points.

Nirehistro ng FEU-Diliman ang limang panalo at dalawang draw – natalo sa Ateneo de Manila University, 3-4, noong Pebrero 3.

Sa men’s division, magkakaldagan ang AdMU at University of the East sa ala-1:00 ng hapon, at tangka naman ng University of Santo Tomas ang solo lead kaya nasa kukoteng kalusin ang Adamson University sa alas-9:00 ng umaga.