Pinabagsak ng defending girls champion National University ang De La Salle-Zobel 25-15, 25-22, 20-25, 25-22 para pahabain sa pito ang perfect run sa UAAP Season 79 high school volleyball sa Adamson gym nitong weekend.

Nanatili rin sa tuktok ng boys division and reigning titlist Bullpups nang bawian ang UE 22-25, 25-21, 26-24, 25-20 bago isinunod ang Ateneo 25-19, 25-13, 25-19 para ilista ang pang-walong panalo sa siyam na salang.

Hindi mabaklas sa likod ng NU girls ang UST (6-1) nang kubabawan ang UP Integrated School 25-14, 25-8, 25-9.

Laglag sa 5-3 ang Junior Lady Spikers.

Angat sa 4-4 ang Adamson sa bisa ng 25-13, 25-12, 25-16 panalo sa UPIS.

Tinalo ng FEU Baby Tamaraws ang Baby Falcons 25-12, 25-18, 18-25, 25-17 bago isinunod ang Junior Lady Warriors 25-20, 22-25, 25-12, 23-25, 15-11. Magkabuhol ang Baby Tams at Baby Falcons.

Winalis din ng Tiger Cubs ang weekend matches sa boys division, unang biniktima ang FEU-Diliman 25-18, 25-23, 18-25, 25-20 sunod ang De La Salle-Zobel 25-18, 25-16, 20-25, 25-18 tungo sa 8-1.