Kilala si Ateneo coach Tai Bundit sa mala-mandirigmang ­training nito, pero tila mas magiging mahirap pa ang mga ­susunod na araw sa paghahanda ng Lady Eagles na muling mabawi ang ­titulo sa UAAP Season 79 women’s volleyball tournament.

Sa ika-anim na sunod na taon ay maghaharap ang magkaribal na Lady Eagles at De La Salle Lady Spikers sa Finals. Sa naka­lipas na limang tapatan ay lamang ang mga spikers mula sa Taft, 3-2.

“Mas mahirap siguro (ang training) kasi mas istrikto si coach Tai ngayon eh, siyempre Finals,” saad ni Ateneo assistant coach ­Sherwin Meneses.

Pagputok pa lang ng araw ay mag-uumpisa na ang Lady Eagles na ­tumakbo sa oval, dapat makalimang ikot sila sa loob lang ng limang minuto.

Sa hapon naman hanggang gabi ay may dalawang oras na drills, one-on-one at scrimmage.

Pero para sa fourth-year opposite hitter na si Mich Morente, ­hindi na niya alam kung ano pa ang ihihirap ng kanilang training.

“Well, everyday naman talaga mahirap ang training so ‘di ko alam kung kelan ‘yung mas mahirap pa,” ani Morente.

“We’re still doing the same drills, (mahirap) pa rin siya ng ­bonggang-bongga,” dagdag niya.
Mag-uumpisa ang best-of-three Finals sa Martes sa Araneta ­Coliseum.