Mga laro ngayon: Mall of Asia Arena
2:00 p.m. — UE vs UP
4:00 p.m. — Adamson vs NU

Pareho ang misyon ng National University Bulldogs at Adamson University Soaring Falcons, sikwatin ang solo second place sa Season LXXIX ng UAAP seniors men’s basketball tournament ngayong araw sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Magkasalo sa second spot ng team standings ang Bulldogs at Falcons tangan ang tig 2-1 cards, maghihiwalay na sila mamaya pagkatapos ng kanilang 4:00 p.m. match.

Nalasap ng National­ University ang unang ­kabiguan nang panain sila ng season title favorite De La Salle University­ Green Archers, 66-75, noong Linggo.

Galing naman sa paninilat ang Falcons matapos nitong dagitin ang Ateneo Blue Eagles, 62-61, noong Sabado.

Bumanat ng Game-winner turnaround jumper­ si Dawn Ochea para ilipad ang pangalawang panalo ng Falcons.

Samantala, magkakal­dagan ang University of the East at University of the Philippines, isa sa kanila ang mababawasan­ ng problema pagtapos ng laro.

Bokya sa tatlong laro ang Red Warriors at Fighting Maroons kaya asahang parang championship game ang kanilang labanan para lang masukol ang unang panalo ngayong season.