UAAP stars balik sa Superliga beach volley

Psl Beach Volleyball

May reunion ang mga UAAP stars, muling bubuhayin ang karibalan sa buhanginan sa siklab ng Belo Philippine Superliga Beach Volleyball Challenge Cup ngayon sa SM By the Bay sa Mall of Asia.

Magkakampi ang dating pambato ng FEU at UST na sina Bernadeth Pons at Sisi Rondina suot ang ­Petron Sprint 4T laban kina ex-La Salle stalwarts Cyd Demecillo at Fritz Gallenero ng F2 Logistics A sa 8 p.m. nightcap ng annual tourney na hatid ng Stoked, Mikasa, Mizuno, Senoh, Rebisco at SM By the Bay.

Si Maica Morada na ang partner ni defending champion Jovelyn Gonzaga, dadalhin nila ang Cignal A para umpisahan ang title defense laban sa Generika-Ayala B nina Rosalie Pepito at Kat Arado ng 7 p.m. Bago ito ay papagitna sina Kathleen Barri­nuevo at Cherilyn Sindayen ng Foton laban kina Ces Molina at Bang Pineda ng Petron XCS.

Sa 5 p.m., bakbakan sina Mylene Paat at Janine Marciano ng Cignal B at pares nina Fiola Ceballos at Patty Orendain ng Generika-Ayala A, hambalusan ang F2 Logistics A at Cocolife nina Wensh Tiu at Abie Nuval ng 4 p.m., at Generika-­Ayala B laban kina Marijo Medalla at Bianca Tripoli ng Perpetual Help.

“Medyo pamilyar na po kami sa isa’t isa kasi for the past three years palagi kaming magkakalaban sa UAAP,” lahad ni Rondina, pinatumba nina Gonzaga at Nene Bautista ng RC Cola-Army sa ­final ng PSL beach volley noong nakaraang taon.