Muling bumalik sa Taft ang tropeo ng UAAP Streetdance ngayong taon.

Ito’y matapos makuha ng La Salle Dance Company ang kampeonato sa patim­palak na ginanap sa Araneta Coliseum Sabado ng hapon.

Patok sa madla maging sa panlasa ng mga hurado ang Queen-inspired performance ng La Salle, na kita ang pagkakasabay-sabay, maging ang pangmalakasang dance moves sa saliw ng ‘We Will Rock You’ at ‘Another One Bites the Dust’.

Dahil sa panalo, naitarak ng LSDC ang kanilang ikaapat na championship sa streetdance competition.

Samantala, napatid naman ng kampeon­ noong nakaraang taon na FEU Dance Company Street Alliance ang 1st runner-up finish­ habang nakuntento sa 2nd runner-up ang NU Underdawgz.­ (Ray Mark ­Patriarca)