UAAP: Tams buhay pa

uaap

Nakahirit ng do-or-die ang FEU matapos suwagin ang 22-25, 26-24, 28-26, 25-17 panalo laban sa NU kahapon sa stepladder semifinals ng UAAP Season 79 men’s volleyball tournament sa MOA Arena.

Ilalaro ang Game 2 sa Miyerkules, haharapin ng mananalo sa Finals ang top seed Ateneo na nakatuon sa pagsungkit ng pangatlong sunod na titulo.

Kumana si Jude Garcia ng 16 puntos para sa FEU, nag-ambag sina skipper Richard Solis at Greg Dolor ng 15 at 14 markers.

Lumakas ang tsansa nina graduating FEU players Dolor, Paler at setter Ronchette Lee Villegas na magkampeon bago iwan ang kanilang alma mater.

Tumikada si Bryan Bagunas ng 13 points sa NU habang tumipa sina James Natividad at Madzlan Gampong ng tig-10.